FILTER BY:

Issue at Hand

Sa mga Minamahal na Kapatid sa Pilipinas,

8,111 milya ang layo natin sa isa’t isa. Malamang hindi tayo mabigyan ng pagkakataon na magkita dito sa mundo. Kung nagkikita tayo, siguro mahihirapan tayong magkaintindihan ang isa’t isa. Sadyang magkakaiba ang ating mga kultura, klima, kaugalian at iba pa na maghihiwalay sa atin.

Gayunpaman, may isang bagay na nagbubuklod sa atin. Sa katunayan, tayo ay pinagkakaisa nito kaysa sa kahit anong pinagsamang wika, kasaysayan, o kultura.

Tayo ay pag-aari ni Jesu-Cristo.

Tinawag tayo ni Jesu-Cristo, sa pamamagitan ng kanyang salita at Espiritu, at binigay niya sa atin ang kaloob ng pananampalataya upang tayo ay maging kaisa sa kanya. Bilang kaisa kay Cristo sa pamamagitan ng totoo at buhay na pananampalataya, masiyahan kami ng napakalapit na pagsasama, kahit hindi tayo kumakain ng sama-sama.

Irene at Rosalyn, tama kayo. Ang bagay na nagbubuklod sa atin ay napakaganda – ang ating mahalagang pananampalatayang Reformed.

Kami ay natutuwa sa mga artikulong gawa ninyong lahat.

Brother Andy, kami ay namamangha sa awa ng Diyos na palayain ka mula sa pagkaalipin ng malamig, walang buhay, at maling doktrina para marinig mo ang mahalagang, libreng, at mabuting balitang biyaya ng Diyos na nagpalaya sa iyo. Tuwang-tuwa ang kaluluwa namin nung narinig ito.

Nung nabasa namin ang “hindi mapaglabanan katotohanan ng mga doktrina ng biyaya ng Diyos” na nakuha sa iyo, Brother Jeremiah, inuusig kami ng aming konsiyensya, sa pagkilos ng Espiritu, kaya nabaling muli ang aming atensyon sa parehong doktrina. Ang parehong, mabuting balita tungkol sa soberanong biyaya ng Diyos ay pumupukaw sa amin na lalo pang masigasig na pagsilbihan ang ating Tagapagligtas ng buong buhay namin.

Nakita namin ang paghihirap na kailangan mong danasin dahil sa iyong kapahayagan.

Pinalakas mo ang loob namin.

Nung nabasa namin ang pag-uusig na kailangan mong danasin dahil nagsabi ka ng totoo, lalo mong pinaigting ang aming kagustuhan na ipaglaban ang pananampalatayang “na minsanang ibinigay sa mga banal” (Judas 3).

Mayroong isang bagay na karaniwan sa lahat ng mga artikulo – na ang lahat ng papuri ay sa Diyos lamang! Ito ay totoo sa ating Reformed na mga puso! Ang tanging tugon lamang na ibinibigay dito ng isang nagpapasalamat na anak ng Diyos ay ito – purihin!

Madami sa inyo ang humiling na ipanalangin namin kayo. Masigasig naming gagawin iyon. Ipapanalangin namin sa Diyos na panatilihing malakas ang inyong mga pananampalataya. Ipapanalangin namin na katigan kayo ng Diyos sa inyong mga pagsubok, pag-uusig, at paghihirap. Ipapanalangin namin na ang mabuting balita ng Diyos ay patuloy na mag ministeryo sa inyong mga kaluluwa, kung saan ang mabuting balita ng Diyos ay isang gamot sa kahit anong mang kalagayan ng buhay.

Ngunit mayroon kaming isang kahilingan sa inyo.

Idalangin ninyo kami.

Mayroon bang iglesyang nasa mas matinding panganib kaysa sa iglesyang nabubuhay sa kasaganaan? Sinusubukan ng diyablo na alisin ang katotohanan ng Diyos sa pamamagitan ng pag-uusig. Ngunit lalo lang nito nagiging ang kapahayagan ng mga banal na mas malinaw na masunog.1 Ngayon sinubukan naman ng masamang ito ang kamay niya sa kasaganaan. Bakit kailangang sunugin ang mga libro kung pwede naman itong nakatabi lang sa isang istante at hindi binabasa? Bakit kailangan sunugin ang katawan, kung pwede naman ibigay ng tao ang kanilang katawan sa mga maka mundong kaligayahan? Bakit kailangang agawan ang tao ng kanilang kalayaan kung sila mismo ay alipin na ng teknolohiya, paligsahan, at trabaho? Bakit kailangang kumprontahin ang iglesya ng pakikipagdima, kung mas gusto ang isang iglesyang natutulog? Mas mabuti na ang espada ay nakalagay sa lalagyan, kaysa paalahanan sila ng mga salita ni Martin Luther, na “ang pakikipaglaban (tungkol sa katotohanan) ay laging nasa iglesya, lalo na kung ang doktrina ng Mabuting Balita ay lumalaganap” (Komentaryo tungkol sa Galacia, 50).

Anong mga tukso ang kinakaharap natin mula sa ating mortal na mga kaaway – ang diyablo, ang sanlibutan, at ang ating sariling laman!

Mga kapatid, 8,000 milya ang layo natin sa isa’t isa pero tayo ay pinagsama ng iisang pananampalataya. Itaas natin ang ating mga panalangin sa Panginoon na bibigyan Niya tayo ng lakas ng loob para maging matatag para sa katotohanan lalo na ngayong oras nang dumadami ang tumalikod sa Kanya (tingnan ang Mateo 24:3-28).

Bagaman hindi tayo makapag salu-salo dito sa mundo, idalangin natin na dumating ang araw ng pagdating ni Cristo, kung saan tayo ang magtitipon sa dakilang kasal ng Kordero. Doon sa wakas tayo magkikita-kita, at nabibilang sa “napakaraming tao na di-malibang ng sinuman, mula sa bawat bansa, sa lahat ng mga lipi, mga bayan at mga wika” nagsasabi “Ang pagpapala, kaluwalhatian, karunungan, pagpapasalamat, karangalan, kapangyarihan, at kalakasan, ay sa aming Dioys magpakailanpaman. Amen.” (Apocalipsis 7:9, 12).

1 Isipin si Hugh Latimer, nung panahon na malapit na siyang sunugin sa poste dahil sa kanyang pangungumpisal, pinapalakas ang loob ng kanyang kaibigan na si Nicholas Ridley, “Maging lalaki ka, Maestro Ridley, makikita natin ang liwanag ng araw katulad ng kandila, sa awa ng Diyos, sa Inglatera, tulad ng tiwala ko ay hindi mawawala.”
Dear Brothers and Sisters in the Philippines,
We are 8,111 miles apart. It is possible we will never meet during our earthly sojourn. If we are ever able to meet, we might find it difficult to communicate. Our cultures, climates, and customs are vastly different, and there is much that would separate us.
We do have one thing that unites us, however. In fact, we share a tighter bond than any shared language, history, or culture.
We belong to Jesus Christ.
Jesus Christ called us by his word and Spirit and gave us the gift of faith so we are one with him. Being united to Christ by that true and living faith, we now enjoy the closest of fellowship, although we may never share a meal together.
Irene and Rosalyn, you are correct. The thing that unites us is beautiful—our precious Reformed faith.
All of you have blessed us with your articles.
Brother Andy, we marvel at the mercy of God to call you out from under the bondage of cold, lifeless, false doctrine to hear that precious, liberating gospel of free, unmerited grace. Our souls thrill to hear it.
When we read of the “irresistible truths of the doctrines of grace” capturing you, Brother Jeremiah, our conscience, by the work of the Spirit, smites us, so we too are again captured by those same doctrines. That same gospel of sovereign, particular grace excites in us, as only it can, an “ardent desire” to serve our Savior with all of our life.
We also see the price you have had to pay for your confession.
We are inspired by it.
When we read of the persecution you have faced to confess the truth, it stiffens our resolve to contend more strongly for “the faith which was once delivered unto the saints” (Jude 3).
There is a common thread that is woven throughout the entire issue—all of the glory belongs to God alone! This rings true to our Reformed hearts! This evokes the only possible response of the thankful child of God—praise!
Many of you asked us to pray for you. We will. Fervently. We pray that God will preserve and strengthen you in your faith. We pray that God will uphold you in your trials, persecutions, and difficulties. We pray that God will continue to minister his gospel to your souls, which gospel is a balm, no matter the circumstances of life.
But we have a request for you.
Pray for us.
Is there a church in greater danger than the church that lives in affluence? The devil has tried his hand at stamping out the truth of God by persecution. That only made the saint’s confession burn all the brighter. Now, the evil one tries his hand at prosperity. Why burn the books when they can sit on the shelf, unread? Why burn the body, when the people can give their bodies over to be consumed by earthly pleasures? Why rob the people of their freedom when they enslave themselves to technology, sports, and work? Why confront the church with warfare, when a sleeping church is much to be preferred? Far better to have the sword safely sheathed, than to remind them of Martin Luther’s words, that “such fighting and condemnation (over the truth) is always in the church, especially when the doctrine of the Gospel flourishes”
What temptations we face from our three-fold enemy—our nature, the world, and the devil!
Brothers and sisters, we are separated by 8,000 miles but united by a common faith. Together let our prayers rise up to God that he may grant us the courage to stand strong for his truth in this time of increasing apostasy (see Matthew 24:3–28).
Although we may never enjoy a feast together on this earth, let us all pray for the hastening of the day of Christ’s return, when we can gather at the great marriage supper of the Lamb. There we shall finally meet, numbered among the “great multitude, which no man could number, of all nations, and kindreds, and people, and tongues” saying, “Blessing, and glory, and wisdom, and thanksgiving, and honour, and power, and might, be unto our God for ever and ever. Amen” (Rev. 7:9, 12).